Maine at Alden copy copy

GRAND 21st birthday celebration ang ibinigay ng TAPE Inc. sa phenomenal star nilang si Maine Mendoza sa Eat Bulaga last Saturday bagamat noon March 3 pa ang eksaktong birthday niya. 

Para walang aberya, as early as 7:00 AM, pinapasok na nila ang fans na pumuno sa loob at labas ng Broadway Studio at umapaw hanggang sa labas, sa kahabaan ng Aurora Blvd. Umapaw ang Broadway Studio na halos kasama na ng audience ang hosts na sina Vic Sotto, Joey de Leon, Allan K, Ruby Rodriguez, Pia Guanio, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo at Alden Richards.

Todo rin ang suporta ng Dabarkads at punong-abala si Alden sa mga sorpresa kay Maine, at salamat sa Diyos dahil hindi nakaapekto sa actor ang nangyaring aksidente sa kanya last Friday morning on his way to Broadway Centrum. Iba na talaga ang in love.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Pagkatapos ng performances, nagsimula ang mga sorpresa sa mga regalo ni Alden na lahat daw iyon at ang mga sinasabi niya ay totoo, dahil ang kaharap niya ay si Maine at hindi si Yaya Dub o si Divina sa kalyeserye.

Lima ang special gifts ni Alden na ibinatay sa letters ng pangalan ni Maine.  

M for the medallion of St. Benedict -- para sa protection niya sa mga aksidente at pagkakasakit, na biro ni Maine dapat daw ay kay Alden niya ibigay at sinabing, “mag-ingat ka kasi.” 

A for alaga – binigyan niya ng 2 African love birds na dapat daw ay alagaan ni Maine dahil hindi puwedeng mawala ang isa dahil malulungkot ang katambal nito.

I for illustration -- isang picture nila na ipina-drawing ni Alden at extra-special daw sa kanya. Ilalagay na raw iyon ni Maine sa bedroom niya. 

N for notebook with pen -- na susulatan ni Maine random thoughts niya tungkol sa kanya at sa kanila ni Alden, na babalikan daw nila pagdating ng araw. 

E for your eyes only kaya hindi pa puwedeng buksan ni Maine ang maliit na kahon, at hindi rin niya puwedeng i-share sa iba. Kung handa na raw si Maine, siya ang magsusuot nito sa kanya. So, alam na ng AlDub Nation fans na singsing iyon.

Hindi pumayag ang audience na walang kiss. Muli, sa tabi lamang ng lips ni Maine humalik si Alden pero si Lola Nidora, idinasal daw na sana tumama sa lips kaya ipinaulit ng audience ang paghalik.  

This time, si Maine daw ang hahalik sa cheek ni Alden, pero lumingon si Alden kaya nasapol na ang lips ni Maine, na tumagal din ng ilang seconds. Kaya nang pumasok ang special guest ni Maine, ang buong family niya, nagtago si Alden, kaya pinalabas siya.  

Nagpasalamat ang Daddy Teddy ni Maine sa lahat, sa AlDub Nation sa pagtanggap nila kay Maine, si Mommy Mary Ann, bumati ng congratulations kay Alden at biro niya she needs daw 24 hours from him to explain. 

Welcome naman pala sa buong family si Alden dahil nakipag-apir pa nga ang dalawang brothers ni Maine sa kanya.

Bumati rin ang Ate Nicolette at Ate Coleen ni Maine, nagsabi na wala na raw magagawa ang mga babaeng may crush kay Alden, dahil botong-boto silang lahat dito para sa kapatid nila. 

Alam mo ngang close si Alden sa family ni Maine, dahil hindi umiyak ang months old na pamangkin ni Maine na si Matti na karga-karga ni Alden habang nagpapasalamat si Maine.

Nagpasalamat sa lahat si Maine, kay Mr. Tony Tuviera,sa scriptwriter ng kalyeserye na si Jenne Ferre, Direk Pat na hindi raw siya iniiwanan kahit abutin sila ng umaga sa shooting at taping, sa buong Dabarkads at sa JoWaPao na hindi siya pinababayaan. 

At sa bashers nila ni Alden – “God bless sa inyong lahat. Tandaan lamang ninyo na lahat ng ginagawa ninyo, babalik din iyan sa inyo. Sana bago kayo magsalita, humarap muna kayo sa salamin.”

At ang birthday wish ni Maine: “Lahat ay ibinigay na sa akin ni Lord, ang gusto ko na lamang, makita ko ang pangalan ko, solo, sa big screen.”  

Kaya ang pabirong sabi ni Lola Nidora, “Sige, bukas, magsu-shooting na tayo.” (NORA CALDERON)