Ni ADOR SALUTA

Jason at MelaiKANYA-KANYANG projects muna sa ngayon ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Pilot week na noong nakaraang linggo ang We Will Survive sa ABS-CBN na pinagbibidahan nina Melai at Pokwang. Huling napanood si Melai sa teleseryeng Two Wives noong 2014 at naging grand champion din sa pinakaunang season ng Your Face Sounds Familiar last year. Si Jason naman ay naging bahagi ng big hit na kilig-seryeng On The Wings of Love na katatapos lang sa ABS-CBN Primetime Bida. 

Masuwerte ang mag-asawang Jason at Melai dahil hindi sila nabakante simula nang lumabas sa Pinoy Big Brother hanggang sa ikasal. Biniyayaan sila ng isang cute na cute na baby girl na si Amelia Lucile na magdadalawang taong gulang na ngayong Abril.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nang matiyempuhan ang mag-asawa sa kanilang pagbisita sa San Mateo Rizal para sa kampanya ni Mar Roxas, kung susuportahan nila si Amelia Lucile kung sakaling gusto nitong pumasok sa showbiz.

“Siyempre kung ano ang gusto niya paglaki niya, eh, susuportahan namin,” mabilis na sagot ng mabilis ding magsalitang si Melai. 

“Pero ang pinakamahalaga ay dapat matapos niya ang kanyang pag-aaral. Para sa kanya naman lahat ng mga pagsisikap naming mag-asawa at gusto namin siyang bigyan ng magandang kinabukasan,” dagdag ni Jason.

May balak na ba silang sundan ang kanilang panganay? 

Natawa si Melai at sinabing dahan-dahan lang daw.

“Totoo namang the more, the merrier pero mahirap ang buhay ngayon dapat planuhing mabuti ang mga bagay na ganyan,” sabi ni Melai.