Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office (PRO)-10 at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 10 ang apat na drug pusher na nakumpiskahan ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3 milyon, sa buy-bust operation sa Gaisano sa Iligan City, Lanao del Norte, iniulat kahapon.

Kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) sa piskalya sa Iligan City sina Sanawiya Calumbang, 40, tubong Salvador, Lanao del Norte; Jamey Sarif, 31, ng Iligan City; Khadafi Aloyodan, 37, tubong Lanao del Norte; at Bryan Abdul Malik, 32, ng Barangay Madaya, Marawi City.

Bukod sa ilegal na droga, nabawi rin sa buy-bust operation sa Gaisano car park sa Bgy. Villa Verde sa Iligan ang itim na Toyota Vios, dalawang cell phone, at anim na bundle ng marked money. (Fer Taboy)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?