ALAMINOS CITY, Pangasinan – Isang umano’y may diperensiya sa pag-iisip ang natagpuang patay sa Barangay Sta. Maria sa siyudad na ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Florencio Mendez, 44, binata, magsasaka, at residente sa lugar.

Ayon sa imbestigasyon, huling nakitang buhay si Mendez dakong 11:30 ng gabi nitong Marso 1 habang nakahiga sa bangko sa harap ng isang sari-sari store.

Kinabukasan, dakong 6:30 ng umaga, ay natagpuan siyang walang buhay sa palayan ng Bgy. Sta. Maria sa siyudad na ito.

Probinsya

4-anyos na lalaki, patay sa bugbog at pangangagat ng jowa ng kaniyang ina

Inaalam na ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ni Mendez. (Liezle Basa Iñigo)