SAO PAULO (AP) - Inaresto ng pulisya si dating Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva mula sa tahanan nito at apat na oras na inimbestigahan nitong Biyernes kaugnay ng kasong kurapsiyon na kinasasangkutan ng state-run oil company na Petrobras.

Galit na kinondena ng noon ay sikat na sikat na pangulo, na namuno sa Brazil simula 2003 hanggang 2010 at nananatiling isang mahalagang personalidad sa bansa, ang pagdakip sa kanya, na tinawag niyang bahagi ng mga hakbangin upang masira ang kanyang imahe.

“I felt like a prisoner this morning,” ani Da Silva, na nagpahaging na posibleng muli siyang kumandidatong presidente. “I have gone through many things, and I am not one to hold a grudge, but I don’t think our country can continue this way.”

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline