Tiklo ang tatlong magkakapatid matapos maaktuhang nagpa-pot session ng police raiding team na magsisilbi ng arrest warrant laban sa mga suspek sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Jemar Modequillo, Las Piñas City Police Station chief, ang tatlo na sina JP Tulibas, 28; Charlie Tulibas, 30; Gian Carlo Tulibas, 25; at Jay-R Sanseran, 25, pawang residente ng Green Valley Compound, Gatchalian Subdivision, Barangay Manuyo.

Ayon kay Modequillo, natiyempuhan ng arresting team na bumabatak ng shabu ang magkakapatid dakong 8:30 ng gabi nitong Huwebes sa kanilang bahay sa Louie Street nang isilbi nila ang arrest warrant na inilabas ng korte laban sa mga ito.

Sina JP at Jay-R ay kapwa naaktuhang bumabatak ng shabu sa ground floor ng kanilang bahay, habang sina Charlie at Gian Carlo ay natiyempuhan sa ikalawang palapag sa kalagitnaan ng kanilang pot session.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Iniulat ng pulisya na nabawi sa mga suspek ang hindi mabatid na dami ng shabu, 11 sachet na naglalaman ng marijuana, at iba’t ibang drug paraphernalia.

Bigo naman ang pulisya na banggitin kung ano ang kasong kinahaharap ng tatlo bago sila naaresto sa pot session.

(Jean Fernando)