ISULAN, Sultan Kudarat - Kinumpirma ni Ltc Ricky Bunayog, ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army na nasawi ang isa sa kanyang mga tauhan habang dalawang iba pa ang nasugatan sa maghapong engkuwentro sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Tee, Datu Salibo, Maguindanao.

Nasabugan din ng improvised explosive device ang sasakyan ng military, at nasugatan ang hindi pa batid na bilang ng mga sundalo, na dinala sa pagamutan ng 6th Infantry Division ng Army sa lalawigan. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog