LONDON (Thomson Reuters Foundation) – Maaaring magdulot ng malalaking pagbabago sa pagkain ng mundo ang climate change, na mauuwi sa pagkamatay ng mahigit kalahating milyong katao sa 2050 dahil sa stroke, cancer at karamdaman sa puso, sinabi ng mga eksperto nitong Miyerkules.

Sa pamiminsala ng matinding panahon gaya ng mga baha at heat wave sa mga ani at pananim, maaaring mabawasan ng ikatlong bahagi ang mga tinatayang pagtaas sa pagkakaroon ng pagkain sa 2050, batay sa pag-aaral na inilathala sa The Lancet medical journal.

Ito ay magreresulta sa pagbabawas ng 99 calories para sa bawat tao kada araw, natuklasan sa assessment sa epekto ng climate change sa diet composition at bodyweight.

Ang climate change ay maaaring magdulot rin ng hanggang 4 na porsiyentong pagbawas sa pagkonsumo ng prutas at gulay, kabilang na ang 0.7% na pagbaba sa dami ng pagkonsumo sa red meat, ayon sa pag-aaral. Ito ay magreresulta sa dobleng dami ng mga mamamatay dahil sa undernutrition pagsapit ng 2050.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

“Even modest reductions in the availability of food per person could lead to changes in the energy content and composition of diets, and these changes will have major consequences for health,” ipinahayag ng pangunahing may-akda ng pag-aaral na si Marco Springmann mula sa University of Oxford.

Ang mga pagbabagong ito ay maaaring maging responsable sa halos 529,000 karagdagang pagkamatay sa 2050, kumpara sa kinabukasan na walang climate change na ang pagtaas sa pagkakaroon at pagkonsumo ng pagkain ay maaari sanang pigilan ang 1.9 milyong pagkamatay.

“There should be enough food to produce a better diet in 2050 than we currently have globally but if you add in climate change then you lose some of those improvements,” pahayag ni Peter Scarborough, co-author ng pag-aaral, mula sa University of Oxford sa Thomson Reuters Foundation.

Maaaring magkaroon ng malaking benepisyo sa kalusugan at magbabawas ng 29%-71% sa bilang ng mga pagkamatay na may kinalaman sa klima ang pagbawas sa emissions, ayon sa pag-aaral.

“We need to be mitigating greenhouse gasses. If we do, it will bring down the health impact of climate change,” diin ni Scarborough.