Isang daan at sampung porsiyentong suporta ang ikinasa ng United Nationalist Alliance (UNA), sa pangunguna ni Vice President Jejomar C. Binay, kay world boxing champion at UNA senatorial bet Manny Pacquiao sa ano mang desisyon nito hinggil sa kontrobersiya sa nalalapit na laban nila ng American boxer na si Timothy Bradley.

Sinabi ni Atty. Rico Quicho, nananatiling buo ang suporta ng partido oposisyon sa mga kandidato nito na may kalayaang makapagdesisyon sa ikabubuti ng kanilang pangangampanya.

“On UNA’s party, we have 110 percent support for Congressman Manny and we trust that this issue is being carefully studied by his lawyers. We will support him whatever position he may have,” pahayag ni Quicho sa panayam sa radyo DzMM.

Binigyan ng Comelec si Pacquiao ng limang araw, simula nitong Martes, upang magkomento sa petisyon na inihain ni senatorial candidate Walden Bello dahil sa posibleng paglabag nito sa election laws kung itutuloy ang pagsasahimpapawid ng kanilang rematch ng American boxer sa Abril 9, isang buwan bago ang araw ng halalan.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

“This is his (Pacquiao’s) personal endeavor. This is his own fight while Vice President Binay is focusing on his campaign in different provinces to get his message across: to fight poverty. Other candidates are also busy with their respective campaigns,” pahayag ni Quicho.

Sakaling mangailangan ng opinyon si Pacquiao, sinabi ni Quicho na handa ang kanilang kampo na gabayan ito hinggil sa naturang kontrobersiya. (ANNA LIZA VILLAS-ALAVAREN)