Marso 3, 2009 nang maibenta ang maluhong sasakyan na Maybach Zeppelin, na may 100 unit na ipinadala mula Setyembre 2009. Ang Maybach 57 Zeppelin ay nagkakahalaga ng $523,870, habang ang Maybach 62 Zeppelin, ay $610,580.
Ang mga nasabing sasakyan ay may perfume-atomizing feature, kung saan mananatili ang amoy ng pasaherong sasakay ditto. Ito ay ginamitan ng illuminated Plexiglass. Mayroon din itong regulator pump na nakakapag-produce ng airflow.
Ito ay pinagagana ng twin turbocharged six-liter V12 engines, at taglay din nito ang eleganteng pintura, at ang mga interior ay gawa sa pinaglumaang gamit.
Ang Maybach Zeppelin ay inspirado ng orihinal na sasakyan ng Zeppelin na lumabas noong 1920s hanggang 1930s, na binuo ni Wilhelm Maybach. Inilunsad ni Wilhelm at ng kanyang anak na si Karl ang una nilang sasakyan (Maybach Type W3), sa Berlin auto show noong 1921.