mpd_junjun29_linus03132015 copy

Hiniling ng sinibak na alkalde ng Makati City na si Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. sa Sandiganbayan na ibasura ang mga kasong kinakaharap nito kaugnay sa umano’y maanomalyang konstruksiyon ng Makati City Hall Building 2 na umabot sa P2.2 bilyon.

Ito ay matapos magsumite ang mga abogado ni Binay ng omnibus motion for judicial determination of probable cause na humihiling sa korte na pagtibayin muna na may sapat na dahilan upang siya ay kasuhan at kung bigo ito ay dapat na agad ibasura ang kasong two counts of graft at six counts of falsification of public documents na kanyang kinakaharap.

“Considering that the pieces of evidence preferred by the Complainant in this case fall short of establishing probable cause against the Accused, for lack of evidence, it is imperative upon this Honorable Court to relieve the Accused from the trauma of going through a trial because it has been ascertained that no probable cause exists to hold them for trial,” nakasaad sa mosyon ni Junjun, anak ni Vice President Jejomar C. Binay.

Trending

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'

Ayon sa mga abogado ni Junjun, wala sa mga testigo na nakapagsabi, o kaya’y maging sa mga ebidensiya, na magdidiin na sangkot ito sa mga anomalya.

Iginiit din ng depensa na hindi sapat ang mga impormasyong inihain laban sa dating alkalde na magpapatunay na ito ay sangkot sa katiwalian.

Anila, ang tanging ebidensiya ng Office of the Ombudsman sa nakababatang Binay ay ang paglagda nito sa Bids and Awards Committee resolution, mga kontrata, Notice of Awards, Summary of Cost Estimates, Individual Project Programs of Work at disbursement ng mga voucher para sa Phase III at V ng Makati City Hall Building 2 project.

“Certainly, the mere allegations that Accused Binay, Jr. had signed certain documents related to the subject Project, without more, cannot be suffcient to show that he had acted with any degree of partiality, bad faith or grosss negligence as defined above. Indubitably, the allegations against Accused are insufficient to support a finding of probable cause against him for violation of Section 3(e) of R.A. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act),” ayon sa mga abogado ng sinibak na alkalde. (Jeffrey G. Damicog)