KASABAY ng pagdagsa ng mga foreign investor sa bansa ay ang paglakas ng industriya sa pagkukumpuni ng mga electric vehicle na “in” ngayon dahil hindi nagbubuga ng usok.
Ito ang inihayag ni Rommel Juan, pangulo ng Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP), habang nakararanas ang Japan ng problema sa mataas na interest rate kaya puwersado ang mga negosyanteng Hapones na mamuhunan na lang sa halip na umasa sa interes sa idineposito sa bangko.
“They have thus put the Philippines on top of their list for possible investments ahead of Thailand and Vietnam. And the electric vehicle industry is one sunrise industry they have set their eyes on,” pahayag ni Juan.
Kabilang sa mga Japanese electric vehicle company na nagbuhos ng puhunan sa Pilipinas ang Bemac, Prozza, Hirose, at GMS.
“Taiwanese conglomerate Teco has partnered with Ropali and has set up Roteco to locally assemble electric jeepneys and tricycles,” dagdag ng negosyante.
Aniya, tama ang panahon upang mag-invest ang mga foreign company sa EV industry sa Pilipinas dahil sa mga sumusunod na dahilan.
Umabot na sa 100 milyon ang populasyon ng Pilipinas at ang “productive working age” dito ay nasa 22-anyos. Umaasa ang EV sector na maraming tatangkilik sa kanilang produkto dahil na rin sa usapin ng pagbibigay proteksiyon sa kalikasan.
Sinabi ni Juan na laos na ang mga pampasaherong bus, jeepney at tricycle na nagbubuga ng makapal na usok, dahil lumalamon ang mga ito ng gasolina o krudo.
Bukod sa makakalikasan, ang mga electric vehicle ay tahimik at masarap sakyan.
Iginiit din ni Juan na handa ang Board of Investments (BoI) na tulungan ang mga foreign investor kung nais nilang sumabak sa sektor ng electric vehicle.
“EVAP will highlight the different domestic EV companies and their products in the upcoming Philippine EV Summit at the Meralco Multipurpose Hall on April 14-15, 2016. We invite all foreign players to come and have a look-see at the various opportunities available in the local EV industry,” ayon sa EVAP president. (ARIS R. ILAGAN)