TARLAC CITY - Aabot sa 6,639 na estudyante sa Bulacan ang pinagkalooban kamakailan ng pamahalaang panglalawigan ng college scholarship, sa ilalim ng programang “Tulong Pang-Edukasyon para sa Kabataang Bulakenyo”.

Nagkaloob si Bulacan Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado ng libreng pag-aaral sa kolehiyo sa Bulacan State University, Bulacan Polytechnic College, Bulacan Agricultural State College, at iba pang pamantasan sa labas ng lalawigan, sa katatapos na Scholars General Assembly sa Capitol Gymnasium.

Nabatid na nagkuwalipika sa scholarship ang mga walang bagsak na grado, kasalukuyang naka-enroll sa kolehiyo o unibersidad sa loob at labas ng lalawigan, at walang tinatanggap na tulong pinansiyal mula sa ibang paaralan o pribadong organisasyon. (Leandro Alborote)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol