Mga laro ngayon

(Ynares Center)

4:15 n.h. -- Blackwater vs. SMB

7 p.m. Mahindra vs. Ginebra

₱5M-worth na SUV ni Caloy, naibigay na ng Toyota

Balik na ang porma ng Kings, kaya’t inaasahang mag-iingay ang barangay sa pakikipagharap ng crowd-favorite sa Mahindra sa tampok na laro ngayon sa PBA Commissioner’s Cup elimination sa Ynares Center sa Antipolo City.

Inspirado ang barangay matapos itarak ng Kings ang 92-87 panalo kontra Star Hotshots sa ‘Manila Klasiko’ nitong Linggo sa MOA Arena. At laban sa Enforcers, nakatitiyak ang lahat na magiging maaksiyon ang tagpo na siyang nais ng Kings.

Nakadarama man ng pananabik, iginiit ni Enforcers guard LA Revilla na kailangan nilang sabayan ang anumang istilong ilalatag ng Kings.

“Siguro we’ll just maximize every game. Kung ano yung makakaya namin to win every game, doon muna kami,” sambit ni Revilla.

Target ng Mahindra na makamit ang ikatlong pagwawagi at masundan ang 106-99 panalo kontra sa NLEX Road Warriors may isang linggo na ang nakalilipas.

Mauuna rito, magtatangka naman ang reigning Philippine Cup champion San Miguel Beer na umangat at tumabla sa Alaska sa ikatlong posisyon sa pagsagupa sa Blackwater.

Matapos mabigo sa kanilang unang laro sa kamay ng Mahindra, nakabawi ang Beermen at umangat sa patas na barahang 1-1 kasunod ng naitalang 120-109 na panalo laban sa Globalport.

Sa pangunguna ng kanilang import na si Tyler Wilkerson na umiskor ng season-high 52 puntos, umaasa ang Beermen na makakasalba sila sa dikitang labanan.