Alden Maine EB Studio copy

ILANG araw na ang nakalilipas pero hindi pa rin maka-move on ang AlDub Nation fans na kilig to the bones pa rin sa paghalik ni Alden Richards kay Maine Mendoza sa kanilang 32nd weeksary sa kalyeserye ng Eat Bulaga. 

Sa story, naghahanda si Divina (Maine) ng kanyang project sa school, ang paggawa ng event na ipakikita niya sa entrepreneurship class. Naisipan niya, sa tulong ng tatlong lola at ni Alden, ng bubuo sila ng fashion show. May mga inimbitang young fashion designers si Divina at nagpa-audition sila ng magiging models. Kaya noong 32nd weeksary nina Alden at Maine, nag-rehearse sila para sa fashion show. Naka-Barong Tagalog si Alden at nang lumabas si Maine, naka-wedding gown naman na ikinagalit ni Lola Nidora (Wally Bayola). Bakit daw ganoon ang suot nina Alden at Maine, sagot ng dalawa, rehearsal lang iyon para sa fashion show.

Pero si Lola Tinidora (Jose Manalo), porke at naka-wedding outfits sina Alden at Maine, nagkunwaring ikakasal sila at tinanong ang dalawa kung mahal nila ang isa’t isa at kung handa ba silang magsama habang buhay -- kahit tulad lamang nila silang tatlong lola.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pareho namang sumagot ng “oo” ang dalawa kaya hinayaan sila ni Lola Tinidora na mag-“kiss the bride.”

Pumuwesto ang dalawa sa harap nina Vic Sotto, Joey de Leon at Ryan Agoncillo at umakmang hahalikan ni Alden si Maine, pero biglang tumunog ang busina at freeze na ang eksena. Sabi ng hosts, wala, wala raw silang naririnig na busina. Sagot ni Lola Nidora, busina iyon ng mga magulang ni Maine. Kaya si Alden, nakitang may sinabi o parang humingi ng permiso kay Maine, bago itinuloy ang paghalik na tinilian at ikinatuwa ng audience. 

Nagpaliwanag sina Alden at Maine na hindi naman tumama sa lips, sa tabi lamang daw ng mga labi ni Maine.

Tinukso nina Vic, Joey at Ryan si Alden. Si Ryan, binati pa si Alden, pero tigas ng pagtanggi si Alden kahit daw ulitin pa niya para patunayan niyang hindi sa lips tumama ang halik niya. Si Bossing Vic, “Aba, at gusto pang ulitin.”

Ang ginawa ni Alden, binuhat na lamang si Maine at inilabas ng studio kasabay ng tilian at palakpakan ng studio audience.

Pero hanggang ngayon nga, pinagtatalunan pa rin kung saan tumama ang kiss ni Alden. Ang iba na nakakuha ng footage, nag-post pa ng slow motion para patunayan na tumama nga sa lips ni Maine ang halik. At si Joey de Leon, nakagawa pa ng dalawang maiikling tula tungkol sa halik ni Alden kay Maine. ‘Katuwa talaga ang AlDub Nation, paano kung totoo na nga ang halik ni Alden kay Maine?

Samantala, congratulations kay Alden sa kanyang Quadruple Platinum Album award for his Wish I May album from GMA Records na tinanggap niya last Sunday sa Sunday Pinasaya. (Nora Calderon)