BAMBAN, Tarlac - Itinumba ng mga hindi kilalang armado ang isang hinihinalang drug pusher, na ang bangkay na tadtad ng saksak at ginilitan ay naaagnas na nang natagpuan ng mga awtoridad sa kalsada ng Barangay Bangcu sa Bamban, Tarlac.

Ang pagkakatuklas sa bangkay ay ini-report kay Chief Insp. Jovy Arceo, officer-in-charge ng Bamban Police, at nakilala ang biktimang si Jay Yambao, 33, ng Rolling Hills, Bgy. Lourdes sa Bamban.

Napag-alaman na matapos isagawa ang brutal na pamamaslang, tinakpan ng talahib sa mukha at basta na lang iniwan sa kalsada ang bangkay ni Yambao, na naaagnas na nang matagpuan.

Batay sa medico-legal examination ni Senior Insp. Noel Villaruel, ng Tarlac Provincial Crime Laboratory Office, positibo sa droga ang biktima.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Nabatid na bago pinaslang, pinuntahan si Yambao sa bahay ng isang lalaking nakasuot ng bonnet at isinakay sa motorsiklo. (Leandro Alborote)