HULING-HULI si Morgan Freeman. Habang ipino-promote ang London Has Fallen, ang 78 taong gulang na aktor ay madalas na makita kasama ang WGN producer na si Tyra Martin.

Nang tumayo at lumayo sa camera si Tyra, pinagmamasdan siya ni Morgan at hindi niya napigilang tanungin kung may asawa na ito. Hindi ito ang unang pakikipaglapit ni Morgan sa producer. Sa isang panayam noong 2013 para sa Now You See Me, agad nagparamdam ng pagkagusto ang Hollywood A-lister.

Nang magbiro si Tyra na dapat ay naghanda ito ng magic trick na ipapakita sa interview, sinabi ni Morgan na, “You’ve got magic written all over you.” Hanggang sa mapunta ang kanilang usapan sa dalawang beses na pakikipag-divorce ng aktor. “I’m enjoying bachelor life immensely because I get to look at you and drool,” ani Morgan.

Nakilala si Freeman sa panglalandi sa mga babaeng nakakasalamuha niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Minsan na siyang naiugnay kay Rita Moreno, co-star niya sa The Electric Company, noong 2014. At noong taong ding iyon ay naiugnay din siya kay Diane Keaton. (The Insider)