Dadagdagan ang hazard pay ng mga pulis na nasa combat duty sa alinmang panig ng bansa, partikular ang mga nasa malalayong lugar.

Inakda ni Cebu City Rep. Gabriel Luis R. Quisumbing ang House Bill 5455 na magdadagdag sa ibinabayad sa mga pulis na nakatalaga sa mga liblib na lugar ng labanan.

Ang combat duty pay ng mga pulis na P240 ay dadagdagan ng 25 porsiyento ng kanilang base pay, alinsunod sa panukala.

Saklaw ng umento ang commissioned at non-commissioned personnel ng Philippine National Police (PNP), ayon kay Quisimbing. (Bert de Guzman)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog