NASUGBU, Batangas - Nakaligtas ang isang mag-ina mula sa dalawang magnanakaw na nanloob sa kanilang bahay, at aksidenteng natuklasan nila na isa sa mga ito ay dati nilang empleyado, sa Nasugbu, Batangas.

Nagtamo ng saksak sa balikat ang 16-anyos na si Isiah Darryl Balasi, habang hindi naman nasaktan ang kanyang ina na si Sheryl Sto Domingo-Balasi, 36 anyos.

Pinaghahanap na ang suspek na si Leandro Moreno, 31, at kasamahan nito na hindi pa nakikilala.

Ayon sa report ni PO3 Garry Felicisimo, dakong 7:00 ng umaga nitong Miyerkules nang pasukin ng mga suspek ang bahay ng mag-ina sa Barangay 3.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nakalabasng bahay ang binatilyo subalit nasaksak siya ng isa sa mga suspek, habang nahablot naman ng ginang ang takip sa mukha ng isa pa at nahulog ang wallet nito.

Sa driver’s license na nasa loob ng wallet, nabatid na ang isa sa mga suspek, si Moreno, ay dating tricycle driver ng mag-ina. (Lyka Manalo)