KATHMANDU, Nepal (AP) — Natagpuan na ng rescuers ang mga nawasak na parte ng isang maliit na eroplanong sakay ang 23 katao na bumulusok dahil sa masamang panahon nitong Miyerkules sa kabundukan ng central Nepal, sinabi ng pulisya. Kumpirmadong patay ang lahat ng sakay nito, kabilang na ang dalawang banyaga.

Sinabi ni police official Harihari Yogi na nag-aapoy pa ang eroplano at sunog ang lahat ng bangkay. Lumalabas na direktang bumagsak sa bundok ang eroplano.

Ang mga dayuhan ay nagmula sa China at Kuwait. Lahat ng iba pang pasahero ay Nepali citizens, kabilang na ang dalawang bata.

Umalis ang twin Otter aircraft ng Tara airlines sa Pokhara, isang resort town may 200 kilometro ang layo mula sa kanluran ng Kathmandu, at patungo sa hilaga ng Jomsom, ang starting point para sa trekkers patungo sa kabundukan.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Sinabi ni airport official Yogendra Kuwar na nawalan ng contact ang eroplano matapos mag-takeoff para sa 18-minute flight nito.