PINARANGALAN si Coco Martin bilang isa sa Makabata Stars of 2015 sa katatapos na 18th Anak TV Seal Awards.

Ang bida rin ng FPJ’s Ang Probinsyano ang itinanghal na Top Male Anak TV Makabata Star ngayong taon bunsod ng pinakamaraming botong nakuha niya sa lahat ng lalaking awardees sa award-giving body.

“Dahil po dito ay lalo kaming nagiging inspirado sa aming trabaho para lalong pagbutihin at maging inspirasyon sa ating mga kabataan at sa lahat po ng manonood,” pahayag ni Coco.

Samantala, patuloy na sinusubaybayan ang lalong umiigting na kuwento ng Ang Probinsyano, ang number one teleserye ngayon sa primetime. Kasado na ang mga plano ni Roberto (Nonie Buencamino) sa pagdakip kay Trina (Anne Curtis) upang makapaghanti sa amain nitong si Michael (Christopher de Leon). Bilang bodyguard ng mayamang fashion designer, paano poprotektahan ni Cardo ang buhay ni Trina? Magkasundo na kaya sila?

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Huwag palampasin ang maaaksiyong tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.