Agad na nasawi ang isang guro habang isa naman ang nasugatan makaraang salpukin ng isang pampasaherong bus ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Quezon City, iniulat kahapon ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU).

Base sa report ng hepe ng QCDTEU na si Supt. Richie Claraval, hindi na umabot nang buhay sa East Avenue Medical Center si Leonila C. Muana, 38, may asawa, ng Barangay San Isidro, Tala, Caloocan City.

Habang nasugatan naman ang kasama ni Muana na si Armel Dela Cruz, 41, may ari ng Kawasaki motorcycle (ND-4706), at nakatira sa 506 Yakal Street, Tala, Caloocan City.

Agad namang inaresto ng mga enforcer ng Traffic Sector 5 si Norley C. Mantos, 36, tubong Zamboanga Del Sur, residente ng Marilao, Bulacan at driver ng Santrans Bus (UVH-327).

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Base sa imbestigasyon ni SPO2 Edgardo P. Talacay, dakong 3:30 ng hapon nitong Miyerkules nang mangyari ang aksidente sa Commonwealth Avenue sa Diliman.

Kaugnay nito, ipinatawag na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamunuan ng Santrans Bus para sa imbestigasyon. (Jun Fabon)