CONCEPCION, Tarlac – Garapalan ang panghoholdap ng mga hindi nakilalang armado sa dalawang negosyanteng Indian, na pinuntahan pa nila sa bahay ng mga ito sa Isabel Street, Barangay San Nicolas, Poblacion, Concepcion, Tarlac.

Nakilala ang mga biktimang sina Sukhwinder Singh, 40, may asawa; at Paul Singh Mahinder, 62, may asawa, kapwa ng Bgy. Rosepark, Minane, Concepcion, Tarlac.

Nakulimbat mula sa mga biktima ang P8,000 cash at iba’t ibang alahas na aabot sa P7,000 ang halaga.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae