INAABISUHAN ang publiko na magpapatupad ng traffic rerouting sa ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila upang bigyang-daan ang pagdaraos ng Shel Eco-marathon Asia sa Rizal Park sa Marso 1-7.

Ang Shell Eco-marathon ay paligsahan ng mga sasakyang nilikha ng mga estudyante mula sa iba’t ibang bansa.

Dahil ang mga ito ay tumatakbo sa kombinasyon ng combustion at solar-powered engine, ang mga prototype vehicle ay matipid sa konsumo ng petrolyo.

Bukod dito, sadyang ginamit ng mga estudyante ang magagaang na materyales sa pagkukumpuni ng kani-kanilang entry vehicle upang maging matipid sa konsumo ng enerhiya.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Unang ginanap noong 2014, ito na ang huling pagkakataon na gaganapin sa Maynila ang taunang Shell Eco-marathon Asia.

Mula sa Marso 1 hanggang 7, isasara sa motorista ang southbound lane ng Roxas Blvd., mula sa Katigbak Drive hanggang sa T.M. Kalaw.

Ang mga truck mula sa Port of Manila ay pinapayuhang kumaliwa sa P. Burgos, kumanan sa Maria Orosa, kumanan sa T.M. Kalaw upang makarating sa Roxas Blvd.

Samantala, ang mga light vehicle ay maaaring gumamit ng isang lane sa northbound side ng Roxas Blvd., na itinalaga bilang “counter flow lane.”

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log in sa www.shell.com/ecomarathon.