ALIAGA, Nueva Ecija - Isang MKII fragmentation hand grenade ang aksidenteng nahukay habang inaararo ng isang 68-anyos na magsasaka ang bukid sa Barangay San Juan sa bayang ito, nitong Lunes ng umaga.

Ayon kay Ignacio Pascua y Gabriel, ng Sitio Kaingin, hindi niya sukat akalain na mabubungkal niya ang granada kaya agad niyang ipinaalam sa mga tauhan ng 5th Maneuver Platoon ng Provincial Public Safety Company ang insidente.

Ang bukid ay pag-aari ni Virgilio Miranda y Cauba, 46, ng Sitio Kaingin. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?