NAGING guest sa Tonight With Boy Abunda si Andrew E na muling nasa limelight ngayon dahil kasama siya sa cast ng bagong usap-usapang seryeng Dolce Amore starring Liza Soberano at Enrique Gil.

Tinanong ni Boy Abunda ang mahusay na rapper kung bakit niya tinanggap ang role bilang si Eugene, asawa ni Sunshine Cruz sa Dolce Amore.

“It’s all about great good timing, ‘dami pong nakapag-offer sa akin way, way back, ten years in all and probably ten times in all, but this offer is parang so unique and in desired timing,” sagot ni Andrew E.

Bukod sa right timing, naibulalas niya na si Liza at ang tambalang LizQuen ay paborito at laging pinapanood ng kanyang pamilya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“LizQuen is our household favorite. Una, ‘yung love team ay paborito ng aking pamilya, ng aking wife, ng aking mga kids. Naging bonus pa ang directorialship ng ating kabigan na Direk Mae (Cruz) saka Direk Cathy (Garcia-Molina),” sey ng rapper-comedian. 

Bukod sa serye, busy rin ngayon si Andrew E. dahil sa ayon sa kanya ay sa panahong ganito siya pinaka-in demand, tuwing sasapit ang halalan para mag-perform sa campaign sorties. 

“Isa sa mga pinaka-in demand sa mga election rallies si Andrew E, mataas ang aking batting average. Meaning, ‘yung mga ini-endorse ko, nanalo kasi,” aniya.

Taong 2012 huling nag-release ng album si Andrew E. Bakit hindi pa niya sinusundan, nagsawa na ba siya sa pagra-rap? 

“It’s my style. I do albums once in a while and pinag-aaralan ko ang generation… ’Pag may generation… tendency ay nauumay na sila sa mga naririnig nila, that’s when I come in,” paliwanag niya. (ADOR SALUTA)