Hinihinalang may kinalaman sa ilegal na droga ang pananaksak at pagpatay ng dalawang hindi nakilalang suspek sa isang lalaki sa Sta. Mesa, Maynila, nitong Linggo ng gabi.

Dead on the spot si Juanito Lim, miyembro ng Bahala na Gang at residente ng 4514 Int. 10 D. Francisco Street, Sta. Mesa, dahil sa mga tinamong saksak sa katawan.

Samantala, tumakas naman ang dalawang suspek na ang isa ay nakilala lang sa alyas na “Oto”.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 9:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Coldillera Street sa Sta. Mesa.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Lumilitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na posibleng hindi nakapag-remit ng kanyang pinagbentahan ng shabu ang biktima, na umano’y kilalang drug pusher sa kanilang lugar, kaya kinumpronta ito ng mga suspek, na nauwi sa pamamaslang.

Matapos ang insidente ay agad tumakas ang mga suspek at iniwan pang nakabaon ang kitchen knife sa tagiliran ng biktima.

Nakuha naman sa bulsa ng biktima ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu. (Mary Ann Santiago)