oleg copy

LEGAZPI CITY - Mas malaki at mas mahabang karera na dito lamang mismo sa lalawigan ng Albay isasagawa ang inaambisyon ng mga Bicolano sa pangunguna ng kanilang gobernador na si Joey Salceda.

Nabuo ang pangarap ni Salceda matapos ang matagumpay na pagdaraos ng Le Tour de Filipinas 2016, na nagbalik aksiyon sa kalsada ng lalawigan na pamoso sa mahuhusay na rider.

Labis ang kasiyahan ng mga Bicolano sa pagbabalik ng taunang “summer spectacle “ na minsan na ring pinagharian ng mga saklistang tubong Bicol na kinabibilangan ng dating Marlboro Tour two-time champion (1964-65) at personal na idolo ni Salceda -- ang yumaong si Jose Sumalde.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Masayang naghintay sa mga lansangan ang mga Bicolano para mapanood at masubaybayan sa mga siklista ng nagsimulang dumating sa lalawigan mula sa Lucena City nitong Pebrero 18.

“We’re very thankful to the Lina Group of Companies especially Air21 for bringing back the race here in Bicol,” pahayag ni Salceda na umaming sobrang na-miss, maging ng mga kababayan ang karera na minsan na ring nagbigay ng dangal sa Bicol.

Malaking tulong, aniya para sa promosyon ng lalawigan ang cycling na mula pa noong maupo siya bilang gobernador ay ginamit niyang instrumento upang palakasin ang turismo sa lalawigan.

“It’s (cycling) a viable type of sports tourism and we’re using it for the last 8 years para ipakita at ipaalam sa lahat na wala ng insurgency through ‘Bike for Peace’,” pahayag ni Salceda.

Ayon kay Salceda, umaasa silang masusundan pa ito at kung pagbibigyan sila, nais nilang gawin itong mas mahaba at mismong Albay ang magiging host.

“Masyadong maikli e, sana kahit mga 6 stages kasi dati naman umaabot ng mga 2,000 kilometers yung tour,” ayon kay Salceda. (MARIVIC AWITAN)