Pinataob ng University of the Philippines ang University of the East, 2-0, upang makamit ang kanilang unang panalo sa UAAP Season 78 men’s football tournament sa McKinley Hill Stadium.

Umiskor si Raphael Resuma sa ika-18 minuto mula sa assist ni Roland Saavedra para simulan ang scoring para sa Fighting Maroons.

Huling umiskor si Vincent Aguilar ng isang late goal sa ika-89 na minuto para sa UP.

Dahil sa panalo, ang Maroons naglaro na wala sina rookie JB Borlongan at Christian Lapas dahil sa kanilang national U19 duties, ay kumubra ng tatlong puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanatili namang may isang puntos ang Red Warriors na hindi pa nakaka-goal ngayong season.

Nanatiling walang talo ang Bulldogs at Green Archers na kapwa may tig-7 puntos kasunod ang Tamaraws at ang Growling Tigers na may tig-5 puntos. - Marivic Awitan