Nais ng isang grupo ng mga tagasuporta ng isang senatorial candidate na madiskuwalipika ang world boxing champ na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa kandidatura nito para senador sa eleksiyon sa Mayo 9.

Ito ay may kinalaman sa nalalapit na boxing rematch ng kongresista laban kay Timothy Bradley sa Abril 9, isang buwan bago ang halalan.

Ayon sa grupong Walden Bello for Senator Movement, maghahain ito ng disqualification case sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila, dakong 9:00 ng umaga ngayong Lunes.

Mismong si Bello, na kumakandidato rin sa pagkasenador, ang maghahain ng reklamo laban kay Pacquiao, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Milabel Cristobal. - Mary Ann Santiago

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget