Nagdeklara ng state of emergency sa bayan ng Calaca sa Batangas makaraang masunog ang depot ng liquified petroleum gas (LPG) ng Asia Pacific, Inc., sa compound ng Phoenix Petroleum and Industrial Park (PPIC), na nagsimula nitong Sabado ng hapon.

Ayon kay Mayor Sofronio Manuel Ona, mahigit 43 fire truck—kabilang ang nanggaling pa sa Laguna, Quezon, Cavite, at mula sa Pasig City, Marikina City, Malabon City at Subic sa Zambales—ang sumugod sa planta para apulahin ang sunog, sa bahaging sakop ng Barangay Salong West.

Aniya, nakahanda at nananatiling nakaantabay ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa lugar.

“It’s either maging successful ang firefighters or mauubos ang LPG sa tanks at kusang mawawala ang sunog,” anang alkalde.

National

‘Big Boss’ ng POGO sa Bamban at Porac, Tarlac, arestado na

Sa report ng Batangas Police Provincial Office, dakong 7:00 ng umaga kahapon ay patuloy pang inaapula ang sunog. Kaugnay nito, nasa 142 pamilya ang inilikas at dinala sa tatlong evacuation center. Dalawang katao naman ang iniulat na naospital, at hinihinalang mga empleyado sa planta. - Lyka Manalo