Asahan na ng mga motorista ang pagpapatupad ng malaking oil price hike ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng energy sources, posibleng tumaas hanggang piso ang presyo ng kada litro ng gasolina, diesel at kerosene na inaasahang ipatutupad ng mga kumpanya sa Martes, Pebrero 23.

Ang nagbabadyang oil price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Nitong Pebrero 16, nagtapyas ang mga kumpanya ng langis ng P1.40 sa presyo ng gasolina, 90 sentimos sa kerosene, at 70 sentimos sa diesel dahil sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa international market. (Bella Gamotea)
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20