Koring copy

KAABANG-ABANG ang episode ng Rated K ni Korina Sanchez-Roxas na pinamagatang “Baka Naman...” ngayong gabi.

Ipapakita ni Koring na baka naman ang mga paborito nating putahe ay puwedeng sahugan ng mga sangkap na hindi natin inakalang puwede pala.

“Nakatikim na ba kayo ng sinigang sa gumamela, chilli cupcake, o crocodile burger?” tanong ng misis ni Mar Roxas.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May nakakakilabot na istorya rin ang beteranang broadcast journalist tungkol sa isang lalaki sa Agusan na pinarusahan daw ng kapre. Aalamin din niya kung baka naman may pag-asa pa para sa batang si Ashley na may bone marrow cancer at di-pangkaraniwang sakit sa balat.

Abangan ngayong gabi sa ABS-CBN pagkatapos ng Pilipinas Got Talent ang Rated K na ‘di matinag-tinag at finalist sa New York Festival 2016.