WASHINGTON (AP) — Habang abala ang karamihan sa team para makahabol sa huling araw ng ‘trade’, sinimulan ng Wizards ang pagbabalik-laro sa impresibong 103-89, panalo kontra UtahJazz nitong Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila).

Nanguna si Marcin Gortat sa Wizards sa iskor na 22 puntos at 10 rebound, habang kumana si All-Star guard John Wall sa natipang 17 puntos at 11 assist.

Nanguna sa Jazz si Gordon Hayward sa nakubrang 19 na puntos, habang humugot si Rodney Hood ng 18 puntos.

Motiejunas, pinamigay ng Rockets

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa Houston, ipinadala ng Houston Rockets sina forward/center Donatas Motiejunas at guard Marcus Thornton sa Detroit sa three-team trade na kinasangkutan din ng Philadelphia.

Nakuhang kapalit ng Houston ang 2016 first-round pick ng Detroit at karapatan kay forward Chukwudiebere Maduabum mula sa Sixers. Ipinamigay din ng Rockets ang nakuhang karapatan sa Denver para sa second-round pick sa 2017 sa Philadelphia gayundin si Pistons center Joel Anthony.

Green, nakuha ng Clippers

Sa Memphis, ipinamigay ng Grizzlies si forward Jeff Green sa Los Angeles Clippers kapalit ni guard Lance Stephenson at future protected first-round draft pick.

Bunsod ng kaganapan, natuldukan ang tsismis na si Clippers forward Blake Griffin ang inilagay sa trading block ni coach Doc Rivers.

Morris, ipinadala sa Washington

Sa Washington, isang linggo matapos makipagtulakan sa teammate niyang si rookie Archie Goodwin, ipinamigay ng Phoenix Suns si forward Markieff Morris sa Washington Wizards.

Makukuhang kapalit ng Phoenix ang first-round draft pick hanggang sa protektadong nine round, gayundin sina forward Kris Humphries at DeJuan Blair.