NOONG nag-aaral pa ako sa University of Leicester sa England, nakilala ko ang isang British personnel na ang pangalan ay Joan. Madalas naming mapag-usapan ang tungkol sa reliyihon. “Nahihirapan akong maniwala na mayroong nakikinig sa itaas,”sabi niya sa akin. “Sa sobrang daming pagsubok na aking pinagdaanan ay hindi maramdaman ang Diyos.” pagpapatuloy ni Joan.

“Noong ako ay 28 years old, namatay ang asawa ko dahil sa aksidente; sa taong ding iyon, lima sa aking kamag-anak kabilang ang aking ama at lolo ay namatay din.

“Akala ko tapos na. Nang kami ay nagluluksa sa kanilang pagkamatay, sumunod namang nawalay ang aking father-in-law.

At nitong nakaraang taon, ang bago kong asawa na isang drayber ng truck…” napahinto si Joan sa pagkukuwento at akala ko ay namatay din ang bago niyang asawa. “ay nakabangga ng matandang babae at namatay.” (nakahinga ako ng maluwag).

Ang istorya ni Joan ay isa sa mga pagkakataon kung saan sinusubok ang ating pananalig sa Diyos.

Sa tuwing tayo ay nasusubok nais nating maramdaman ang pagmamahal at tulong ng Diyos.

Ganito ang nangyari sa Mt. Tabor nang masaksihan ng mga dispulong sina Peter, James, at John sa pagbabagong-anyo ni Jesus base sa gospel ngayon Linggo (Lk 9,28b-36).

Ang maluwalhating pagpapalit-anyo ay naging daan upang maging mas matibay ang pananalig kay Jesus na kanilang guro.

Nasusubok ang ating paniniwala. Nasusubok ang paniniwala at pananalig natin sa Diyos na kahit gaano katibay ang ating relasyon sa Kanya. Maaaring dahil sa pagsubok sa ating buhay ay kinukuwestiyon natin ang Diyos at nawawala an gating pananalig, katulad na lamang ng mga nangyari kay Joan.

Nasusubok ang ating pananalig sa panahong tayo ay mahinang-mahina.

TANUNGIN MO ANG IYONG SARILI: Kapag may mga pagsubok na dumarating sa aking buhay, nababawasan ba ang aking pananalig sa Diyos, o lalong tumitibay at ipinagkakatiwala mo ang lahat ng ito sa Kanya?

Ayon nga sa apostol na si James: “Happy is the person who remains faithful under trials, because when he succeeds in passing such a test, he will receive his reward” (James 1,12). (Fr. Bel San Luis, SVD)