Sa halip na magalit, pasasalamatan pa ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto-Henares si Vice President Jejomar Binay kapag sinibak siya nito sa puwesto sakaling manalong presidente ng bansa ang huli.

Paliwanag ni Henares, itinuturing niya lagi na huling oras na niya sa trabaho ang bawat araw mula nang maupo siya bilang BIR chief.

Iginiit niya na magiging maginhawa na ang kanyang buhay at matatahimik na ang kanyang konsensya kapag umalis na siya sa ahensiya.

Ito ang naging tugon ni Henares sa pahayag ni Binay sa mga negosyanteng Filipino-Chinese kamakailan, na kaagad niyang tatanggalin sa puwesto si Henares kapag siya ang naging pangulo. (Rommel Tabbad)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter