Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating PBA player dahil sa pagkakasangkot sa rent-a-car scam.

Nahaharap sa kasong carnapping si Jondan Salvador at mga kasamahan niyang sina Kim Avee Yu, Sarah Llagas Martinez, Veronica Viceral Berquillo, at Jonathan Paredes.

Si Salvador ay dating player ng Barako Bull at naglaro rin sa Purefoods at Global Port hanggang sa sumali sa Asean Basketball League.

Ayon kay NBI Anti-Organized Transnational Crime Division chief Manuel Antonio Eduarte, aabot na sa 21 ang nabiktima ng scam.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Hulyo 2015 nagsimula ang modus, nang alukin ng grupo ang mga may sasakyan na pumasok sa car-rental at babayaran ng P20,000 hanggang P40,000, at kapag nakuha na ang loob ng mga biktima ay ibebenta sa iba ang mga sasakyang ipinagkatiwala ng mga biktima. (Beth Camia)