maine at alden copy

NAG-TRENDING agad sa top spot ang talk show na Tonight With Arnold Clavio ng GMA New TV nang maging guest sina Alden Richards at Maine Mendoza last Wednesday, kahit 10:15 PM na ito nagsimula.

Kinilig at bitin ang AlDub Nation na malaman kung sino talaga off-camera ang hinahangaan nilang phenomenal love team. First time kasi iyon na nag-guest si Maine sa show at first time din na sabay silang in-interview ni Alden na no-holds-barred.

Maraming nag-comment, at tama ang tweet ng isa matapos mapanood ang interview ni Igan na, “how ignorant we are of how close they’ve become off-cam.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Unang tanong ni Arnold Clavio, ano ang definition nila ng love. For Maine, “Love is when you care for someone.” Kay Alden, “Love is time.” Sinundan na ito ng mga famous na tanong ni Igan sa nagiging guest niya sa show.

Sino ang mas game, si Maine; ang mas sweet, pareho; mas thoughtful, si Maine; mas mapagbigay, si Alden; mas matakaw, pareho; mas fashion-conscious, si Maine; mas maalaga sa katawan, si Maine; mas iyakin, si Alden; mas mababaw ang kaligayahan, si Maine. 

Dito ibinuko ni Alden na mahilig himasin ni Maine ang tuhod niya, iyon daw ang pet nito kaya tinawag nitong ni-ni (knee-knee) ang tuhod ni Alden.

Ang mas mahusay mag-dubsmash, si Maine; mas mahusay sumayaw, si Alden; mas mahilig gumamit ng social media, si Maine -- na umamin na hindi nahihiwalay sa kanya ang kanyang cellphone; mas maraming naipon, pareho; mas matatakutin, si Maine; mas kenkoy, pareho; mas madaling mapikon, si Maine; mas madaling magselos, si Alden; mas matampuhin, si Maine; mas matinding magmahal, si Alden.

Nagtanong din si Igan kung bakit sila nag-click sa publiko: ‘natural lamang kami, hindi pilit.’ Kailan talaga unang nagkita nang personal, nang unang mag-perform si Maine sa studio ng Eat Bulaga, pero bahagi ng buhok lang ni Maine ang nakita ni Alden dahil umalis ito ng studio at hindi na niya inabutan; at ang hindi na nila malilimutan, sa “Tamang Panahon” special ng EB sa Philippine Arena. 

Nabitin man ang fans sa panonood, may part two naman ang TWAC sa Miyerkules uli, February 24.

Samantala, noong 7th monthsary nina Alden at Maine, last February 16, maraming issue ang kumalat, marami ang nag-bash sa kanila, kaya hinayaan ng kalyeserye na bigyan ng pagkakataon ang kanilang fans sa studio at mga nagpadala ng questions sa Twitter na magkatulong na sinagot ng dalawa. 

Pero iisa ang gustong malaman ng fans, kung ano na ang level ng kanilang relasyon, bakit nila itinatago ang namamagitan sa kanila.

Wala raw silang itinatago, kung ano ang nakikita ay iyon na ‘yon, umabot na rin daw sa 80% ang kanilang relasyon. 

Kaya nilinaw na ni Alden na sana ay tigilan na ang pamba-bash sa kanila dahil hindi naman alam pa ng lahat ang totoo. Siniguro nilang soon ang 20% at ang TL (true love), sa tamang panahon.

Pagkatapos noon, hinayaan nang umalis ang dalawa at itinuloy na ni Alden ang imbitasyong post-Valentine celebration nila ni Maine sa TWG Tea sa Shangri-la Mall Plaza. Doon na nakapag-usap nang husto ang dalawa na sila lamang at walang kamerang nakasunod. May mga nag-post ng pictures na kuha ng mga nakakita sa kanila pero walang nag-dare na lapitan sila, inirespeto ang kanilang privacy. 

May malabong picture sina Alden at Maine, kasama ang APT producer na si Antonio Tuviera at EB writer Jenne Ferre. (Tungkol daw ito sa new endorsements nila at sa movie na gagawin nila).

Ayon kay Alden, nang tanungin ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa kalyeserye last Wednesday, nalinaw na nila ni Maine ang mga bagay-bagay tungkol sa kanilang dalawa.

No wonder na abut-abot na ang ngiti ni Alden kahit wala nang araw na iyon si Maine for personal reasons at nakipag-split screen duet pa kay April Boy Regino. (NORA CALDERON)