Isang pitong buwang gulang na sanggol ang natagpuang patay sa kama sa loob ng kanilang tahanan sa Malate, Manila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang sanggol na si Yuan Miguel de Lumban, residente ng 2458 C-1 Camachile St., Arellano, Malate, Manila.

Batay sa ulat ni Detective Charles John Duran, ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), dakong 2:00 ng madaling araw nang madiskubreng wala nang pulso ang sanggol.

Nauna rito, pinatulog ng kanyang ina ang sanggol sa sarili nitong kama bago tuluyan na ring natulog sa hiwalay na higaan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gayunman, nang maalimpungatan ang ginang at bisitahin ang anak ay napansing wala na itong buhay.

Isinugod pa rin naman sa Ospital ng Maynila ang sanggol ngunit idineklara itong dead on arrival.

Iniiimbestigahan na ng mga awtoridad ang dahilan nang pagkamatay ng sanggol. (Mary Ann Santiago)