Aabot sa 50,000 overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho sa isang industrial area sa Saudi Arabia ang pinangangambahang mawalan ng hanap-buhay sa susunod na buwan bunsod ng nararanasang krisis sa enerhiya sa Middle East.

Base sa pag-aaral ng Migrante-Kingdom of Saudi Arabai (KSA), karamihan sa mga OFW na inaasahang maapektuhan ng energy crisis ay mula sa Saudi Oger Ltd. At Bin Laden Co., ang dalawang pinakamalaking kontratista ng Saudi government para sa mga construction at industrial project.

Sinabi ng Migrante-KSA na hindi bababa sa 20,000 ang bilang ng mga OFW mula Saudi Oger ang naapektuhan ng krisis na nagsimulang maramdaman nitong nakaraang taon habang 5,000 pa ang inaasahang sisibakin ng Bin Laden Co. sa Marso.

Una nang nagbabala ang Saudi Aramco, ang pinakamalaking kumpanya ng langis sa bansa, hinggil sa malawakang pagsibak ng 25 porsiyento ng manggagawa sa Saudi dahil sa pagtitipid ng ilang kumpanya.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

“A big crisis is in our midst, even as the Philippine government attempts to downplay it. Since October last year, our OFWs in these two biggest companies have either been ‘idled’, their iqamas (work permits) not renewed, their wages withheld for as long as six months or their work hours lessened, ‘’ pahayag ni Garry Martinez ng Migrante.

(Samuel P. Medenilla)