SANTA IGNACIA, Tarlac - Masaklap na kapalaran ang sinapit ng isang misis na paulit-ulit na sinakal at binugbog ng kanyang asawa sa Barangay Poblacion West, Santa Ignacia, Tarlac.

Ayon sa report ni PO3 Crispina Maregmen, halos mapuno ng pasa ang katawan ng 41-anyos na misis ni Joselito Malonzo, 39, ng Bgy. Poblacion West, Santa Ignacia, Tarlac.

Sa imbestigasyon ni Maregmen, simula nang mapangasawa ni Malonzo ang biktima ay lagi niya itong binubugbog.

Bukod dito, ipinangangalandakan pa umano ni Malonzo na isang masamang babae ang kanyang misis, at sinabi pang napilitan lang siyang pakasalan ito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dahil hindi na matiis ng ginang ang kalupitan ng asawa ay nagpasya siyang magreklamo sa Santa Ignacia Police. (Leandro Alborote)