KORINA copy

MARAMING LizQuen at KimXi fans ang nag-abang last Sunday sa espesyal na episode ng Rated K ni Korina Sanchez-Roxas na may pamagat na “Kilig Much.”

Hindi naman nabigo ang mga naghintay dahil very romantic at punumpuno ng kilig at hugot ang naturang episode na swak na swak para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso. May mga rebelasyon sina Liza Soberano at Enrique Gil kay Koring at ipinasilip naman nina Kim Chiu at Xian Lim kung paano nila ipagdiriwang ang Valentines.

Nagbigay din ng kakaibang tips si Korina tungkol sa iba’t ibang paraan kung paano pakikiligin ang ating mga minamahal at may special report din tungkol sa sikat na sikat na “text-serye” love story na todong viral sa Internet ngayon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Maglalabindalawang taon nang namamayagpag sa ere ang Rated K na nagwagi bilang Best Magazine Show sa katatapos na PMPC Star Awards for TV at si Koring naman at nagwagi bilang Best Magazine Show Host. Nitong nakaraang Enero, ayon sa national survey ng Kantar Media, isa ang Rated K sa mga most watched television shows sa buong Pilipinas.

Samantala, waring kumislap ang mga mata ni Koring nang tanungin kung paano nila ipagdiriwang ng mister na si Mar Roxas ang Araw ng mga Puso.

“Simple lang kami ni Mar, hindi namin masyadong inaabala ang Valentine,” sagot ni Koring. “Ang importante magkasama kami. Masaya na kaming magsalo sa isang tahimik na tanghalian o hapunan. Pero kung may hinanda siyang espesyal, aba, eh, okay na okay din sa akin ‘yun.” (ADOR SALUTA)