BATANGAS CITY - Tinatayang nasa pitong buwan na fetus ang natagpuan sa isang bakanteng lote, ng isang nagpapastol ng baka, sa Batangas City.

Ayon sa report ni SPO2 Nena Garcia, dakong 5:00 ng hapon nitong Pebrero 14 at nagpapastol ng baka si Delfin Hosenia nang matagpuan niya ang fetus na nakabalot sa damit.

Nakasilid umano ang fetus sa isang plastic box.

Dinala sa San Fernando Funeral Homes ang fetus, habang pinaghahanap pa ang nagtapon nito sa bakanteng lote na sakop ng Sitio Maligaya sa Barangay Cuta, Batangas City. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog