Arestado ang isang 48-anyos na lalaki matapos niyang pagsasaksakin ang kanilang family driver na sinasabing kalaguyo ng kanyang misis habang silang tatlo ay nasa iisang sasakyan sa Parañaque City, nitong Lunes.

Naghihimas ngayon ng rehas na bakal si Henry Otrera, residente ng Block 75, Lot 19, San Esteban, Dasmariñas City, Cavite, dahil sa pagpatay kay Alexander Pilande, 42, family driver.

Lumitaw sa imbestigasyon na ipinagmaneho ni Pilandre si Otrera at misis nitong hindi pinangalanan ng pulisya, sakay sa isang Mitsubishi Adventure dakong 6:00 ng umaga nitong Lunes.

Pagdating sa Airport Road sa Barangay Baclaran, bigla na lang bumunot si Otrera ng isang mahabang patalim at pinagsasaksak si Pilande sa tagiliran hanggang sa malagutan ito ng hininga.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sinabi ng pulisya na nabuking ni mister na may relasyon ang kanyang misis at si Pilande.

Natiyempuhan ng mga nagpapatrulyang barangay tanod ang kaguluhan sa loob ng Mitsubishi Adventure, kaya agad na naaresto so Otrera.

Ihahatid nina Pilandre at Otrera ang misis ng huli sa airport nang mangyari ang insidente. (Martin A. Sadongdong)