TARLAC CITY - Isang dating barangay chairman, na pinaniniwalaang matagal nang minamanmanan ng hinihinalang riding-in-tandem criminals, ang pinagbabaril habang minamaneho ang isang tricycle sa Tanco Street sa Barangay Capehan, Tarlac City.

Kinilala ni PO3 Gerald dela Vega ang niratrat at napatay na si Carlito Ignacio, 58, may asawa, residente ng nasabing barangay, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Bumabagtas noon sa Tanco Street ang tricycle (CC-54710) na minamaneho ni Ignacio nang tambangan siya ng dalawang armado at walang awang pinagbabaril.

Lumitaw sa follow-up investigation ng pulisya na si Ignacio ay akusado sa paglabag sa election gun ban, threat, at oral defamation. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog