Ang desisyon ng LBC Ronda Pilipinas organizers na magsagawa ng “community ride” bilang side event ay magiliw na tinanggap ng cycling aficionados.

Sinabi ni LBC Ronda sports development head Moe Chulani na dumagsa ang nagpahayag ng kanilang interes na lumahok sa community ride na gaganapin sa Marso 13 sa Visayas Leg at sa Abril 3 sa Paseo sa Sta. Rosa, Laguna sa Marso 13 para sa Luzon Leg.

Ang petsa sa Iloilo ay makakasabay sa selebrasyon ng lalawigan sa kanilang Bike Festival.

“Ronda is giving everyone a chance to not just be discovered and represent the country in future international race but also to simply give them a chance to feel the Ronda experience by joining our community ride,” pahayag ni Chulani.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Maliban sa bagong format at inobasyon, isinama ng Ronda ang mountain bike race sa bawat yugto ng ikaanim na edisyon ng Ronda na suportado ng LBC at LBC Express at sanctioned ng PhilCycling sa pakikipagtulungan ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron, Versa Radio-Tech 1 Corp., Maynilad at NLEX.

“LBC Sports Development Corp. feels everyone should have the chance to join Ronda Pilipinas 2016, which is the fourth biggest race in the world in terms of distance covered, not just the elite riders,” sabi ni Chulani.

“That’s why Ronda Pilipinas 2016 will be a bigger and better event where we will have everyone including the executives and amateurs joining us,” aniya.

Opisyal na magsisimula ang Ronda sa Pebrero 20 sa isang road race mula Butuan City pabalik at saka isasagawa ang isang criterium sa siyudad sa susunod na araw, gayundin ang Cagayan de Oro sa Pebrero 23. Sisikad ang ITT sa Dahilayan, Manolo Fortich sa Pebrero 25 bago matapos sa isang criterium race sa Malaybalay sa Pebrero 27.

Ang Visayas Leg ay binubuo ng Stage One criterium sa Bago City, Negros Occidental sa Marso 11, Stage Two criterium sa Iloilo City sa Marso 13, ang Stage Three road race mula Iloilo patungo Roxas City sa Marso 15, ang Stage Four criterium at ang Stage Five ITT na gagawin sa Roxas sa Marso 17.

Kukumpletuhin ang Ronda ng Luzon race na binubuo ng Stage One criterium sa Paseo sa Sta. Rosa, Laguna sa Abril 3, ang Stage Two ITT mula Talisay hanggang Tagaytay sa ikalawang araw, sunod ang Stage Three criterium sa Antipolo City sa Abril 6, ang Stage Four road race mula Dagupan paakyat sa Baguio sa Abril 8 at ang Stage Five criterium sa City of Pines.

Ang mga interesadong lumahok ay may pagkakataon pang magpalista sa official Facebook page ng Ronda na https://www.facebook.com/girodepilipinas/?fref=ts at idownload at mag-fill up at ipadala sa Cycling Pilipinas (LBC SPORTS DEVT. CORP.) c/o Ronda Pilipinas 2016 Secretariat sa Blk. 11 Lot 2 Bagong Calzada, Grenville Subdivision, Bgy. Ususan, Taguig City. (ANGIE OREDO)