OLONGAPO CITY – Pinarangalan ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino nitong Lunes ang tatlong security guard ng SM City Olongapo dahil sa pagsasauli ng mga ito ng mahahalagang gamit na naiwan ng mga customer ng nabanggit na mall.

Ginawaran ni Paulino ng kani-kanyang Certificate of Commendation ang tatlong security guard dahil sa pagsasabuhay sa “Honesto” campaign ng siyudad.

Ibinalik ni Jayson Pamoleras, security-in-charge ng Red Eye 2, ang isang wallet na naglalaman ng mga ID at P10,700 halaga ng Saudi Riyals noong nakaraang buwan.

Isinauli naman ni Alvin John P. Dela Peña, security guard din sa Red Eye 2, ang P2,000 cash mula sa ATM ng BDO sa Perimeter Area, sa may RM Drive, noong Oktubre 20, 2015.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Isa namang cell phone sa loob ng pambabaeng restroom sa SM Cinema ang napulot ni Ronnie Jun Manalo noong Abril 8, 2015.

“Keep up the good work at sana dumami pa ang Honesto sa Olongapo,” sabi ni Paulino. (Jonas Reyes)