Napanatili ni John Vincent Moralde ang malinis na karta sa pamamagitan ng 10-round unanimous decision kontra Anthony Sabalde kamakalawa ng gabi sa Gaisano Mall Atrium sa General Santos City.

Pinaglaruan lamang sa kabuuan ng laban ni Moralde si Sabalde para magwagi sa score cards ng tatlong hurado na pawang nagbigay ng 98-92 iskor para maidagdag ang WBF International featherweight crown sa hawak niyang WBC ABC Continental featherweight belt.

Muntik itigil ng ringside doctor ang laban pagkatapos ng 8th round ngunit nakagawa ng paraan ang korner ni Sabalde para mapaampat ang pagdugo sa magkabilang kilay nito.

“Moralde began to find the target more and more with his right hand as Sabalde’s corner was without an enswell compress to reduce the swelling around his eyes,” ayon sa ulat ng Rappler.com. “The ringside doctor entered Sabalde’s corner following the eighth round to gauge whether Sabalde was fit to continue, but the fight resumed with Moralde playing target practice with Sabalde’s face but never pressing for a knockout.”

Matapos mag-Grand slam: Creamline balik national team, Alas Pilipinas ekis na?

Napaganda ng 21-anyos na si Moralde ang kanyang record sa perpektong 15 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts at inihayag ng kanyang manedyer na si Jim Claude Manangquil na posibleng magsanay ito sa United States o Australia dahil maraming international promoters ang interesadong hawakan ang boxing career nito. (Gilbert Espeña)