KRIS BERNAL copy

KAY Mark Herras namin unang narinig na magkakaroon siya ng separation anxiety ‘pag nagtapos na ang Little Nanay. Naging sobrang close kasi sila ng buong cast at production staff kaya parang pamilya na ang turingan nila.

Naobserbahan nga namin ang closeness ng cast nang bumisita kami sa taping ng light drama series. Sabay-sabay silang kumain at ‘pag break time, panay ang kanilang kuwentuhan. Parang totoong kuya rin ang trato ni Kris Bernal kina Mark at Juancho Trivino at tito nila si Direk Ricky Davao at lola si Nora Aunor at lolo si Bembol Roco.

Nag-post na rin si Kris sa Instagram ng same feeling kay Mark sa nalalapit na pagtatapos ng Little Nanay. Sa picture na ipinost ay tila galing siya sa pag-iyak at ang caption ay, “My face after reading Little Nanay’s finale script.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Actually, I just browsed the pages. I started dropping it down as tears ran down my face! And couldn’t hold it back.

Magkaka-sepanx (separation anxiety) talaga ako! Not only to the cast and crew, but to my character as well! I’ve never been this attached! #LittleNanay.”

Samantala, naba-bash si Kris dahil ipino-post niya ang flowers na natatanggap at ipinapadala ng kanyang suitors na kinabibilangan ni Renz Fernandez. IG ni Kris ‘yun, pakialam ba ng bashers? Ang hirap sa kanila, makikibasa na nga lang, nangingialam pa.

Anyway, hanggang March pa ang Little Nanay at sinabi na ni Direk Ricky na realistic ang magiging ending nito, pero tiyak daw na matutuwa ang mga sumubaybay. (Nitz Miralles)