Matapos ipanalo ang 2016 World Slasher Cup-1, nangunguna na naman ang kampanya ni Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm) sa ika-apat na leg ng 6-cock derby ng 2016 UFCC Season na ginaganap sa Pasay City Cockpit.

Kasama si Dong Chung (D Pakners), matatandaang solong napanalunan ni Lagon ang UFCC 3rd leg noong ika-18 ng Enero.

Pumapangalawa naman ang kampanya ni Gov. Eddiebong Plaza (EP RJM Roposterville) na may 11 puntos. Nakabuntot naman sina Joey delos Santos (San Roque) at Gerry Ramos (AAO Striker), parehong may 10.5 puntos.

Kalahok ang mga bituin ng sabong na sina Alex Ty ng Isabela, Allan Syiaco, Andy Ong (Adza Gamefarm), Anthony Lim,Arman Santos, Art Atayde & Teng Ranola, Atong Ang, Atty. Abella & Fiscal Villanueva, Atty. Astorga, Nad Mendoza, Baham Mitra, Gov. Claude Bautista, Bebot Roxas, Cong. Panganiban, Cong. Unabia, at Dong Chung.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Gayundin ang mga kilalang sabungero na sinaDanny Soriano & Magno Lim, Dorie Du, Nelson Uy, Eddei Boy Villanueva, Eddie Gonzales, Engr. Celso Salazar, Eric dela Rosa, Gerry Ramos, Gerry Teves, , Homer, Joey delos Santos, Ka Luding Boongaling, Cong. Patrick Antonio, Ramon Atayde, Rey Briones, Ricky Magtuto, RJ Mea, Nestor Vendivil, Engr. Sonny Lagon, Engr. Tony Marfori, Edwin Tose at Pleasant Group.

Mahigit 100 na laban, mula sa 40 na entries, ang magaganap ngayong araw simula12:00 ng tanghali.

Kilala bilang pinaka elite na pangkat ng mga sabungero sa bansa, ang Ultimate Fighting Cock Championships (UFCC), ay itinatag ni Charlie “Atong” Ang, Ramos, at Lagon tatlong taon na ang nakakaraan. Naghatid ito ng pinakamahuhusay na 'cockfighting entertainment' sa kasaysayan.

Sa paanyaya ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang labanang ito ayhatid ng Sagupaan, Resorts World – Manila, Solaire Resorts & Casino, at Thunderbird Platinum.